Linggo, Oktubre 2, 2011

sampung taon mula ngayon, heto na ako!

sampung taon mula ngayon siguro ako ay isang information technologist na kaya ng gawin lahat ng mga bagay na di ko pa alam na nauukol sa aking kursong tinapos. isang tao na namumuhay lamang ng payapa at mabuti at natutulungan ang aking mga magulang sa mga gastusin sa araw-araw, itoy bilang pag-papalit ko ng lahat ng hirap na tinamasa ng aking magulang,  syempre bilang isang tungkulin na dapat kong tugunan. isang tao na sana ay makatulong ng marami sa magulang, ito ang aking inspirasyon ko para akoy lalong magpursige sa pag-aaral. sampung taon mula ngayon, siguro nakayari na kaming lahat ng pag-aaral, gayundin ang aking nakababatang kapatid. sana ay mapag-tuonan ko ng pansin lahat ng mga bagay na nag-bigay ng mga suporta at gabay. nagtatrabaho sa isang kompanya ang nais ko,sana nga ito ay matupad para matupad ko lahat ng aking pangarap sa aking buhay, ito sana ang maging ako sampung taon mula ngayon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento