Lunes, Oktubre 3, 2011

kay sir jason

kay sir jason ay wala na akong mahihiling pa, dahil ang katangian ng isang mabuti at mahusay na guro ay nasa kanya na. siya ay ang tipo ng guro na hindi masyadong istrikto at siya ay palabiro kaya ako'y natutuwa dahil siya ang aking naging guro sa filipino 110, wala akong gustong palitan na ugali ni sir jason dahil ang ugali niya ay nakatutuwa, nahuli niya ang kiliti ng klase kaya masaya kaming magkakaklase sa tuwing filipino na, dahil ang guro namin dito ay alam naming kaya kaming pakisamahan sa lahat ng oras, sa mga pagtuturo ni sir jason ay wala akong maipipintas dahil naibigay niya sa amin ang mga bagay na dapat naming matutuhan at dapat naming tandaan. ito ang aking liham para ho sa inyo, ako'y nagpapasalamat dahil sa mga aral na iyo pong naibahagi sa akin upang maging isang mabuting mag-aaral at naging bahagi kayo ng masayang buhay ko. maraming salamat ho.

ang aking mga karanasan sa filipino 110

ang aking mga karanasan sa filipino 110 ay puno ng saya dahil sa tuwing nag-kaklase kami sa filipino ay lagi kaming tumatawa at nabibigyan syempre ng mga kaalaman. sa subject lang na ito kami nagiging masaya dahil lahat ng guro namin ay mga seryoso at istriktong masyado ,haha. naging magagnda ang mga karanasan ko sa asignaturang ito dahil dito lang sa asignaturang ito ako nakakahinga ng maluwag, dahil masaya lagi ang discussion sa subject na ito. ang mga karanasan ko rito sa asignaturang ito ay isa sa mga karanasang hinding-hindi ko makakalimutan at higit sa lahat ang mga masasayang karanasan kong ito ay ang isa sa magiging inspirasyon ko para mag-pursigeng lalo sa aking pag-aaral.

Linggo, Oktubre 2, 2011

si p-noy para sa mga pinoy

para sa mga pilipino si p-noy ay isang mabuting tao, dahil ang pinanggalingan niyang angkan ay mabubuti ang ginawa para sa ating bansa.pero di natin alam kung ano nga ba ang tunay na ugali ni p-noy. pero nakikita naman natin na si p-noy ay ginagawa ang lahat para mapa-unlad ang ating bansa, tinatanggal niya ang mga taong korakot sa gobyerno, pinapahuli niya ang mga ito para panagutin sila sa mga kasalanang kanilang ginawa. gumagawa siya ng mga batas na nakatutulong sa mahihirap. pina-iimbestigahan niya ang mga taong sa tingin niya ay kasama sa mga taong gumawa ng mga kasalanan. maganda ang kanyang pakikitungo sa mga tao dito sa pilipinas at hindi siya maarte, di-tulad ng ibang presidente na pinag-mamayabang ang mga bagay na materyal na wala ang ibang mga tao. yan si p-noy para sa akin at para sa mga pilipino.

sampung taon mula ngayon, heto na ako!

sampung taon mula ngayon siguro ako ay isang information technologist na kaya ng gawin lahat ng mga bagay na di ko pa alam na nauukol sa aking kursong tinapos. isang tao na namumuhay lamang ng payapa at mabuti at natutulungan ang aking mga magulang sa mga gastusin sa araw-araw, itoy bilang pag-papalit ko ng lahat ng hirap na tinamasa ng aking magulang,  syempre bilang isang tungkulin na dapat kong tugunan. isang tao na sana ay makatulong ng marami sa magulang, ito ang aking inspirasyon ko para akoy lalong magpursige sa pag-aaral. sampung taon mula ngayon, siguro nakayari na kaming lahat ng pag-aaral, gayundin ang aking nakababatang kapatid. sana ay mapag-tuonan ko ng pansin lahat ng mga bagay na nag-bigay ng mga suporta at gabay. nagtatrabaho sa isang kompanya ang nais ko,sana nga ito ay matupad para matupad ko lahat ng aking pangarap sa aking buhay, ito sana ang maging ako sampung taon mula ngayon.