Lunes, Agosto 22, 2011

si crush

si crush ay ang tipo ng tao na mabait at maganda,siya ay masipag na tao,simple lang at siyempre maaaasahan siya sa lahat ng oras,pag kailangan ko siya andun naman siya sa tabi ko,at tinatawagan naman niya ko pag may problema siya. siya ay napaka ganda talaga,kaya siya ang naging crush ko ay dahil na sa kanya ang pagiging tahimik,simple at maaasahan ka sa oras ng iyong pangangailangan mo.

Miyerkules, Agosto 3, 2011

ako bilang isang bagay

ako bilang isang bagay ay maiiihalintlad ko ang aking sarili sa isang relo dahil tulad ng isang relo ito ay nag-iiba-iba ng direksyon ang mga panturo nito sa orasan tulad ko nag babago-bago ang aking ugali minsan tahimik,kadalasan ay maingay at mahilig manloko.pero sa kabila ng aking panloloko doon ko naipaparamdam sa kanila ang aking pagmamahal bilang isang kaibigan.bilang isang relo rin ay nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa oras pero ako ang ibinibigay ko ay ang kabutihan at saya para makalimutan nila ang kanilang problema kahit sa sandaling oras lamang. sana ay mabigyan nila ito ng pagpapahalaga. at ang isang relo ay laging nasa iyong kamay na hinding-hindi hihiwalay sayo hangat hindi mo ito tinatangal sa iyong kamay kagaya ko na kapag lumapit ka sa akin ay maaasahan mo ko sa oras ng iyong pangangailangan at hindi kita bibitiwan ngunit kapag ako ay iyong binitawan ay hindi mo na ako muli maaasahan kailanman. maiihalintulad ko ang aking sarili bilang isang relo dahil dito nakikita ang aking mga katangian at ang aking tunay na pagkatao.