D - Di ko alam kung ako nga ay mabuti
O - O kaya'y isang tao na walang puri
N - Na gusto lamang ay para sa sarili
K - Kay ganda lagi ng aking pamumuhay
I - Ipinagkakaloob ang gustong bagay
N - Na siyang dahilan ng aking tagumpay
G - Ganon din sa aking buhay na makulay
C - Cool daw ako dahil sa mapalabiro
H - Hindi nila alam sa kabila nito
R - Rumaragasang problema'y nakatago
I - Inisip ko pano malulutas ito
S - Subalit laging inuuna ang bisyo
T - Tiyak ako'y mahihirapan sa dulo
I - Inuuna ko kasi lagi ang luho
A - At di nilutas, problemang sakit sa ulo
N - Na magiging bunga ay katapusan ko.
Lunes, Setyembre 26, 2011
Lunes, Setyembre 12, 2011
ang awit ng aking buhay
Nais kong mabuhay sa haba ng panahon
Kung ito’y lilipas na ika’y kapiling ko
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa ‘yo’y ibibigay
Tangi kong panalangin ay pagsamo mo
Kailanma’y di magmamaliw ang apoy sa puso ko
[chorus]
Habang may buhay, habang may buhay
Hangga’t ang dugo ko ay dumadaloy
Sa ‘yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa ‘yo’y ibibigay
At kung tayo’y magwawalay ako’y mabibigo
Di na nanaisin pang ituloy ang buhay ko
[repeat chorus]
Oh
[bridge]
Ibig kong malaman mo
Hanggang sa dulo ng mundo
Ang pangarap ko’y sa ‘yo
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa ‘yo’y (sa ‘yo’y) ibibigay
- ito ang napili kong kanta dahil para sa akin kumakatawan ito sasa isang tao na wala ng pag-asa dahil sa napakarami niyang problema. ngunit sabi nga sa kantang ito na habang may buhay,para sa akin ito ay habang may buhay ay may pag-asa. at nasasalamin rin sa kantang ito na ang isang tao ay gagawin ang lahat para lamang sa kanyang minamahal. sana nga ang bawat tao sa mundong ito ay mag-mahalan dahil hindi habang buhay ay makakasama natin sila.
Kung ito’y lilipas na ika’y kapiling ko
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa ‘yo’y ibibigay
Tangi kong panalangin ay pagsamo mo
Kailanma’y di magmamaliw ang apoy sa puso ko
[chorus]
Habang may buhay, habang may buhay
Hangga’t ang dugo ko ay dumadaloy
Sa ‘yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa ‘yo’y ibibigay
At kung tayo’y magwawalay ako’y mabibigo
Di na nanaisin pang ituloy ang buhay ko
[repeat chorus]
Oh
[bridge]
Ibig kong malaman mo
Hanggang sa dulo ng mundo
Ang pangarap ko’y sa ‘yo
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa ‘yo’y (sa ‘yo’y) ibibigay
- ito ang napili kong kanta dahil para sa akin kumakatawan ito sasa isang tao na wala ng pag-asa dahil sa napakarami niyang problema. ngunit sabi nga sa kantang ito na habang may buhay,para sa akin ito ay habang may buhay ay may pag-asa. at nasasalamin rin sa kantang ito na ang isang tao ay gagawin ang lahat para lamang sa kanyang minamahal. sana nga ang bawat tao sa mundong ito ay mag-mahalan dahil hindi habang buhay ay makakasama natin sila.
Lunes, Agosto 22, 2011
si crush
si crush ay ang tipo ng tao na mabait at maganda,siya ay masipag na tao,simple lang at siyempre maaaasahan siya sa lahat ng oras,pag kailangan ko siya andun naman siya sa tabi ko,at tinatawagan naman niya ko pag may problema siya. siya ay napaka ganda talaga,kaya siya ang naging crush ko ay dahil na sa kanya ang pagiging tahimik,simple at maaasahan ka sa oras ng iyong pangangailangan mo.
Miyerkules, Agosto 3, 2011
ako bilang isang bagay
ako bilang isang bagay ay maiiihalintlad ko ang aking sarili sa isang relo dahil tulad ng isang relo ito ay nag-iiba-iba ng direksyon ang mga panturo nito sa orasan tulad ko nag babago-bago ang aking ugali minsan tahimik,kadalasan ay maingay at mahilig manloko.pero sa kabila ng aking panloloko doon ko naipaparamdam sa kanila ang aking pagmamahal bilang isang kaibigan.bilang isang relo rin ay nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa oras pero ako ang ibinibigay ko ay ang kabutihan at saya para makalimutan nila ang kanilang problema kahit sa sandaling oras lamang. sana ay mabigyan nila ito ng pagpapahalaga. at ang isang relo ay laging nasa iyong kamay na hinding-hindi hihiwalay sayo hangat hindi mo ito tinatangal sa iyong kamay kagaya ko na kapag lumapit ka sa akin ay maaasahan mo ko sa oras ng iyong pangangailangan at hindi kita bibitiwan ngunit kapag ako ay iyong binitawan ay hindi mo na ako muli maaasahan kailanman. maiihalintulad ko ang aking sarili bilang isang relo dahil dito nakikita ang aking mga katangian at ang aking tunay na pagkatao.
Huwebes, Hulyo 21, 2011
ang aking pamilya
ako ay may 4 na kapatid na lalake.sina fercival,jayson,florante,fritz gerald velilia.ang kuya ay isang medical technologists. ang aking mga kapatid ay mababait.si dikong at si sangko ay mga katulong sa laboratory ni kuya.at ang aking nakababatang kapatid ay first year high school pa lamang. ang aking ina ay isang tagapangalaga ng bahay at ang aking ama ay isang magsasaka.ang aking sangko at dikong ay may mga asawa na. ang aking pamilya ay malaki ngunit kami ay napakasaya. aking ipinagmamalaki ang aking pamilya dahil ang aking pamilya ay mabubuting tao.
Miyerkules, Hulyo 20, 2011
ang aking sarili
ako si don king christian p. velilia..ako ay isang tao na maingay ngunit minsan ako po ay tahimik..ako po ay nakatira sa puting tubig nueva ecija.ako ay ang uri ng tao na kung ano ang nakikita nila sakin na ugali ay yoon ang aking totoong kulay. ako ay may mabuting hangarin kung ako ay makikipagkilala sa isang tao.ako ay palakaibigan rin at masayahin.ako ay mabait na kaibigan.ako ay 17 taong gulang.ako ay majamming at madaming kalokohang nalalaman.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
