Lunes, Setyembre 26, 2011

ang aking tula

D - Di ko alam kung ako nga ay mabuti
O - O kaya'y isang tao na walang puri
N - Na gusto lamang ay para sa sarili

K - Kay ganda lagi ng aking pamumuhay
I - Ipinagkakaloob ang gustong bagay
N - Na siyang dahilan ng aking tagumpay
G - Ganon din sa aking buhay na makulay

C - Cool daw ako dahil sa mapalabiro
H - Hindi nila alam sa kabila nito
R - Rumaragasang problema'y nakatago
I - Inisip ko pano malulutas ito
S - Subalit laging inuuna ang bisyo
T - Tiyak ako'y mahihirapan sa dulo
I - Inuuna ko kasi lagi ang luho
A - At di nilutas, problemang sakit sa ulo
N - Na magiging bunga ay katapusan ko.

Lunes, Setyembre 12, 2011

ang awit ng aking buhay

Nais kong mabuhay sa haba ng panahon
Kung ito’y lilipas na ika’y kapiling ko
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa ‘yo’y ibibigay
Tangi kong panalangin ay pagsamo mo
Kailanma’y di magmamaliw ang apoy sa puso ko
[chorus]
Habang may buhay, habang may buhay
Hangga’t ang dugo ko ay dumadaloy
Sa ‘yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa ‘yo’y ibibigay
At kung tayo’y magwawalay ako’y mabibigo
Di na nanaisin pang ituloy ang buhay ko
[repeat chorus]
Oh
[bridge]
Ibig kong malaman mo
Hanggang sa dulo ng mundo
Ang pangarap ko’y sa ‘yo
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa ‘yo’y (sa ‘yo’y) ibibigay
- ito ang napili kong kanta dahil para sa akin kumakatawan ito sasa isang tao na wala ng pag-asa dahil sa napakarami niyang problema. ngunit sabi nga sa kantang ito na habang may buhay,para sa akin ito ay habang may buhay ay may pag-asa. at nasasalamin rin sa kantang ito na ang isang tao ay gagawin ang lahat para lamang sa kanyang minamahal. sana nga ang bawat tao sa mundong ito ay mag-mahalan dahil hindi habang buhay ay makakasama natin sila.